Be Iba (English: Be Different)
[Intro]
Pula
Itim
Bughaw
Dilaw
Berde
Puti
Kayumanggi x4
[Verse 1]
Sabihin man nila na ika’y isang baduy
OK lang kaibigan, totoong tao ka naman
Iwasan ang mga plastik
Mga ahas sa dilim
Silang mga matapobre ay huwag mong pansinin
Huwag kang mahihiya kung ika’y walang katulad
Itaas ang ‘yong kamay at ikaw ay lumipad
Tanggapin ang katotohanan na ika’y nag-iisa at ika’y ibang iba
Just be iba
[Chorus]
OK lang na be iba
Be ikaw, Be iba dahil ika’y nag-iisa
Just be iba
[Verse 2]
Hindi kinakailangan na ikaw ay sumabay
Sa uso na sa utak ang huwad ang naglagay
Huwag mong paniwalaan ang sinasabi nila
Na ika’y hamak na pobre at wala kang halaga
Malaking kasinungalingan
Huwag na huwag mong pakinggan
Mangarap ka na lamang at higpit mo ‘tong hawakan
Pilit ka mang nakawan
Ay inday! Ika’y lumaban
Just be iba
[Chorus]
OK lang na be iba
Be ikaw, Be iba dahil ika’y nag-iisa
Just be iba
Iba’t ibang mukha
Iba’t ibang mata
Tingnan mo ang bahaghari
Di ba’t iba’t iba ang lahi
Iba’t ibang galaw
Iba’t ibang pananaw
Mas makulay ang mundo kung tayo’y iba’t iba
Just be iba
[Chorus]
OK lang na be iba
Be ikaw, Be iba dahil ika’y nag-iisa
Just be iba
Pula
Itim
Bughaw
Dilaw
Berde
Puti
Kayumanggi x4
Iba’t ibang mukha
Iba’t ibang mata
Tingnan mo ang bahaghari
Di ba’t iba’t iba ang lahi
Iba’t ibang galaw
Iba’t ibang pananaw
Mas makulay ang mundo kung tayo’y iba’t iba
Just be iba
[Chorus]
OK lang na be iba
Be ikaw, Be iba dahil ika’y nag-iisa
Just be iba x2
No comments:
Post a Comment